Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at an Espiritu Santo - AMEN.
PAGSISISI
Panginoon kong Hesuskristo, Diyos na totoo at tao
naming totoo, gumawa at sumakop sa akin, pinagsisisihan
kong masakit na masakit sa tanang loob ko, ang dilang
pagkakasala ko sa Iyo, na Ikaw nga po ang Diyos ko,
Panginoon ko at Ama ko, na iniibig kong lalo sa lahat.
Nagtitika akong matibay na matibay, na di na ako muling
magkakasala sa Iyo, at nagtitika naman akong magkumpisal
ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin mo rin,
alang-alang sa lyong mahal na pasyon at pagkamatay Mo sa
Krus dahilan sa akin. AMEN.
PAGHAHAIN
Buksan Mo Panginoon ko, ang mga labi namin,
pagningasin ang loob at pakalinisinsa mga walang
kapakanan, mahahalay at lisyang akala, liwanagin Mo ang
aming bait, pag-alabin ang aming puso ng pinagdaanang
hirap at kamatayan, sampu ng kapait-paitang dinalita ng
Iyong marangal na Ina at maging dapat kaming dinggin sa
harapan ng lyong di matingkalang kapangyanrihan, na
nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. AMEN.
AMA NAMIN
Ama namin, sumasa-langit ka. Sambahin ang
ngalan Mo. Mapasaamin ang Kaharian Mo. Sundin ang loob
Mo dito sa lupa para ng sa Langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-
araw. At patawarin Mo kami sa aming mga sala, para ng
pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin at huwag
Mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya Mo kami sa lahat
ng masasama. AMEN.
Lubhang maawaing Hesus ko, lingapin Mo ng Iyong
matang maamo ang kaluluwa ng bininyagang namatay na
si_______na dahil sa kanya'y nagpakasakit ka't namatay sa
Krus. AMEN
|
1) |
Hesus ko alang-alang sa masaganang dugo na ipinawis Mo ng manalangin Ka sa halamanan. |
SAGOT: |
Kaawaan Mo Panginoon ko't patawarin sa kasalanan ang kaluluwa ng namatay. |
2) |
Hesus ko alang-alang sa tampal na tinanggap ng Iyong kagalang-galang na mukha. |
3) |
Hesus ko alang-alang sa masasakit na hampas na Iyong tiniis. |
4) |
Hesus ko alang-alang sa koronang tinik na nagtisimo sa kasantu-santusang Mong ulo. |
5) |
Hesus ko alang-alang sa paglakad Mo sa lansangan ng kapaitan na ang Krus ay Iyong pasan-pasan. |
6) |
Hesus ko alang-alang sa kasantu-santusang Mong mukha na naliligo sa dugo at Iyong biniyaang malarawan sa birang ni Veronica. |
7) |
Hesus ko alang-alang sa damit Mong natitigmak ng dugo na biglang pinaknit at hinubad sa Iyong katawan na mga tampalasan. |
8) |
Hesus ko alang-alang sa kasantu-santusan Mong katawan na napako sa Krus. |
9) |
Hesus ko alang-alang sa Iyong kasantus-santusang paa't kamay na pinakuan ng mga pakong ipinagdalita Mong masakit. |
10) |
Hesus ko alang-alang sa tagiliran Mong nabuksan sa saksak ng isang matalim na sibat na binukalan ng dugo at tubig. |
NAMUMUNO: |
|
Kapayapaang walang hanggan ang ipagkaloob Mo sa kanya Panginoon. |
LAHAT: |
|
At tumanglaw sa kanya ang liwanag nang walang katapusan. |
PAGHAHAIN
|
Katamis-tamisang Hesus ko, na sa pagsakop sa
sangkatauhan ya inibig Mong Ikaw ay ipanganak; tumulo
ang Iyong mahalagang dugo, alipustahin ng mga hudyo;
mapasa kamay ng mag tampalasan sa paghalik ni Hudas;
gapusin ng mga lubid,dalhin sa pagpaparipahan sa Iyo, tulad
sa korderong walang sala, iharap ka kay Anas, kay Kaipas,
kay Pilato at kay Herodes; luran at paratangan na
pinatotohanan ng mga saksing sinungaling; tampalin maging
alimura. Matadtad ng sugat ang buo Mong katawan sa
hampas ng suplina; putugan ng kororang tinik; matakpan
ang Iyong mukha ng isang purpura sa pagpapalibhasa sa Iyo;
malagay sa isang pagkahubad na kahiya-hiya, mapako sa
Krus at mabitin sa kanya, mapagitna sa dalawang
magnanakaw na parang isa sa kanila; painumin ng apdong
nilahukan ng suka at ang Iyong tagiliran ay saksakin ng siang
sibat.
|
Hanguin Mo na Panginoon ko, alang-alang sa
|
madlang sakit na lubhang mapait na dinalita Mo, ang mga
kaluluwa sa Purgatoryo, lalung-Ialo na ang kaluluwa nitong
namatay na si________na aming ipinagdarasal sa purdurusa
nila ay iakyat Mo sila ng matiwasay sa Iyong kaluwalhatian,
at iligtas kami, alang-alang sa mga karapatan ng Iyong
kamahal-mahalang pagpapakasakit at pagkamatay sa Krus,
sa mga hirap sa impyermo, ng kami'y maging dapat
pumasok sa mapayapang kaharian ng Iyong pinagdalhan sa
mapaad na magnanakaw, na napakisama sa Iyong ipinaripa
sa Krus, nabubuhay Ka't naghahari sa kasamahan ng Diyos
Ama at ng Diyos Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
Siya Nawa.
|
LITANYA
|
NAMUMUNO: |
|
Panginoon, Kaawaan Mo kami |
SAGOT: |
|
Panginoon, Kaawaan Mo kami |
NAMUMUNO: |
|
Kristo, Kaawaan Mo kami |
SAGOT: |
|
Kristo, Kaawaan Mo kami |
NAMUMUNO: |
|
Kristo, pakinggan Mo kami |
SAGOT: |
|
Kristo, pakinggan Mo kami |
NAMUMUNO: |
|
Kristo, pakapakinggan Mo kami |
SAGOT: |
|
Kristo, pakapakinggan Mo kami |
NAMUMUNO: |
|
SAGOT:
|
Diyos Ama sa Langit |
|
Maawa ka sa kanya
|
Diyos Anak na tumubos sa
sanlibutan |
|
Maawa ka sa kanya
|
Diyos Espiritu Santo |
|
Maawa ka sa kanya
|
Santa Trinidad na Tatlong Persona
at iisang Diyos |
|
Maawa ka sa kanya |
NAMUMUNO: |
|
SAGOT:
|
Santa Maria
|
|
Ipanalangin Mo kami |
Santang Ina ng Diyos
Santang Birhen puno ng mga Birhen
Ina ni Kristo
Ina ng Grasya ng Diyos
Ina kasakdal-sakdalan
Inang walang malay sa kahalayan
Inang di malapitan ng masama
Inang kalinis-linisan
Inang ipinaglihing walang kasalanan
Inang Kaibig-ibig
Inang Kataka-taka
Ina may gawa ng lahat
Ina ng Mapag-adya
Birheng Kapaham-pahaman
Birheng dapat igalang
Birheng dapat ipagbantog
Birheng Makapangyayari
Birheng Maawain
Birheng may tibay ng loob sa magaling
Salamin ng Katuwiran
Luklukan ng Karunungan
Mula ng tuwa naming (Aalisin ang itim)
Sisidlan ng Kabanalan
Sisidlang bunyi at bantog
Sisidlan ng bukod na mahal na loob na kakusaing sumunod
sa panginoon ng Diyos
Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga
Tore ni David
Toreng Garing
Bahay na Ginto
Kaban ng Tipan
Pinto ng Langit
Talang Maliwanag
Mapagpagaling sa mga may sakit
Sakdalan ng mga taong makasalanan
Mapang-aliw sa mga nagdadalamhati
Mapang-ampon sa mga Kristiyano
Rayna ng mga Angeles
Rayna ng mga Patriakas
Rayna ng mga Propetas
Rayna ng mga Martires
Rayna ng mga Confesores
Rayna ng mga Birhenes
Rayna ng mga Santo
Reynang tigib na tigib ng lumbay
Reynang di nagmana ng Kasalanang Orihinal
Reyna ng Kabanal-banalang Rosaryo
|
NAMUMUNO: |
|
Kordero ng Diyos na makawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan.
|
SAGOT: |
|
Patawarin Mo kami Panginoon namin.
|
NAMUMUNO: |
|
Kordero ng Diyos na makawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan.
|
SAGOT: |
|
Pakapakinggan Mo kami Panginoon namin.
|
NAMUMUNO: |
|
Kordero ng Diyos na makawawala ng kasalanan ng mga santinakpang Langit.
|
SAGOT: |
|
Kaawaan Mo kami Panginoon namin. |
Sa ilalim ng Iyong pagkakandili, O Santang Ina ng
Diyos. Kami'y lumililong, huwag talikdan an aming
pagaamu-amo kung dinaratnan na pangangailangan, bagkus
iadya Mo kami sa dilang panganib, Birheng Mahal at
Maluwalhati.
|
NAMUMUNO: |
|
Ipanalangin Mo kami, O Santang Ina ng Diyos.
|
SAGOT: |
|
Nang kami'y maging karapat-dapat makinabang sa mga pangako in Kristo na aming Panginoon.
|
NAMUMUNO: |
|
Panginoon namin dinggin Mong malugod ang aming pagamu-amo.
|
SAGOT: |
|
Dumating nawa sa Iyong tainga ang aming mga panalangin. (tatlong beses uulitin). |
Kyrie eleison, Criste eleison
Ama Namin . . . . . . . . . . .
Ipinagtatagubilin namin sa Iyo Panginoon, ang
kaluluwa ni________na sa pagpanaw dito sa buhay na ito,
ya mangyari nawang inyong ipagpatawad sa kanya alang-
alang sa walang katapusan mong awa ang mga kasalanang
nagawa at laging mabuhay sa iyo, magpasawalang hanggan.
AMEN.
I N T E N T I O N S
|
NAMUMUNO: |
|
Para sa kamahal-mahalang Puso ni Hesus.
|
SAGOT: |
|
(Dasalin ang Sumasampalataya).
|
NAMUMUNO: |
|
Para sa kalinis-linisang Puso ni Maria.
|
SAGOT: |
|
(Dasalin ang Aba Po) |
Ipanalangin mong mapatuloy nawa sa amin ang
ga pangako ni Kristong aming Panginoon. AMEN.
|
NAMUMUNO: |
|
Para kay San Jose, sa mga Santo at Santa:
Isang Ama Namin
Isang Aba Ginoong Maria
Isang Luwalhati
|
NAMUMUNO: |
|
Para sa mga kaluluwa sa Purgatoryo lalo't
higin sa kaluluwa nitong namatay na ating
pinagdarasal:
Isang Ama Namin
Isang Aba Ginoong Maria
Isang Luwalhati
|
Aba Divino Sagrario, Aba birhen del Rosaryo, Aba nang
anak sa Verbo na Ina ni Hesukristo.
O Birheng walang katulad, Ina ng Divos Anak, pakinggan di
man dapat ang aming tinawag-tawag.
O Birheng Inang walang kasing-dunong, mapagkalinga't
mapag-ampon ang aming hingi at panaghoy ay
pahinggan mo rin po ngayon.
Pagtawag naming maulit sa Inyo Birheng Marikit kamtan
mawa naming masapit ang hingi namin at hibik.
At ito po namang namatya na si__________na aming
ipinagdarasal ay inyong pagbiyayaan ng
magandang kapalaran.
Iyong itawag dalangin kay Hesus Anak mong giliw, ang
inyong abang alipin, na aming idinaraing.
At itong limang misteryo alay at hain namin sa inyo siya
po'y paragkamtin mo ng mahal mong Santo Rosaryo.
Yayamang pabor sakdalan ang taong makasalanan,
Birhen inyong kaawaan ipag-adya sa kaaway.
Ang mga salang nagawa ng sila'y buhay sa lupa, kayo na
po ang bahalang magpatawad at maawa.
O Birheng Inang masaklolo, alang-alang sa gatas mo na
sinuso ng anak mo, sila po'y kaawaan mo.
Iyong ipisa't ilangkap sa mga kasi mo't alagad sambahin
kagawad diyan sa bayan mong mapalad.
Sampung kami'y dumaraing tumatawag dalangin, kay
Hesus anak mong giliw, kami po ay kaawaan din.
At upang kami'y matutong mamintuho ng loob mo
yamang kami'y dating iyo, maghihintay na awa mo.
Sa huling buhay ikalawa kamtan nawa ng aming
kaluluwa ang langit Santa Gloria, siya nawang
walang hanggan. AMEN.
|
Santong Diyos, Santong Makapangyarihan, Santong walang
Kamatayan, Kami po'y Inyong Kaawaan. (3 X).
BENDITO ALAVADO, SE AL SANTISIMO SACRAMENTO DE
LA ALTAR, DE LA LIMPIA IMMACULADA CONCEPSION,
DE LA VIRGEN MARIA, MADRE DE DIOS, SENORA
NUESTRA CONCIVIDA SEMANCHA DEPICADO ORIHINAL
INFREMERNESTANTE DECICIR, NATURAL POR SIEMPRE
HAMAS. AMEN.
Jesus ko kami po'y paalam, ngunit bago ka namin
iwan, Kami po'y inyong bendisyunan at huwag pababayaan.
O Mariang Ina ni Hesus, Inang Birheng
mapagkupkop, kami po'y alipin ninyo't lingkod paalam sa
inyo. ADYOS.
Ave Maria Purisima
Simpicado Consivida (3 X)
Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
AMEN.
MAGANDANG GABI PO SA INYONG LAHAT.
|
|
|